The New Public Square Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
New BARM is on Facebook/Twitter NOW!
DEATH PENALTY  Twitte10
Philippine Standard Time
Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» Kung pagbabatayan ang pagmumukha ni Soriano
DEATH PENALTY  EmptySun Jan 08, 2017 2:42 am by Teng

» Survivor...
DEATH PENALTY  EmptyWed Aug 31, 2016 1:00 pm by Esther

» Guys musta na kayo?
DEATH PENALTY  EmptyFri May 10, 2013 8:51 am by RavlaM

» iNTRODUCTION
DEATH PENALTY  EmptyThu Jan 24, 2013 6:52 pm by Comb@tron

» Lets talk about MARRIAGE
DEATH PENALTY  EmptyThu Jan 24, 2013 6:49 pm by Comb@tron

» Para sa Muslim, Masama bang maging Pedopilyo?
DEATH PENALTY  EmptyTue Jun 19, 2012 4:13 am by viruzol_007

» DEBATE with VANNIE...
DEATH PENALTY  EmptyTue Jun 19, 2012 3:26 am by harballah

» DEATH PENALTY
DEATH PENALTY  EmptyFri Mar 16, 2012 11:01 pm by RavlaM

» Ang katotohanan tungkol sa Iglesia ni Cristo na pekeng iglesia na tatag ni Manalo.
DEATH PENALTY  EmptyWed Feb 29, 2012 7:57 pm by Lito

» Watch Impeachment trial Live Streaming: CJ CORONA
DEATH PENALTY  EmptyThu Jan 19, 2012 4:02 pm by Disciple

» Si kapatid na Felix Manalo
DEATH PENALTY  EmptyTue Nov 22, 2011 12:28 pm by Guest

» Ashampoo Burning Studio v10.0.15 Portable
DEATH PENALTY  EmptyFri Nov 18, 2011 4:19 pm by Dhugz

» Atomix Virtual DJ Pro v7.0.5 Portable
DEATH PENALTY  EmptyFri Nov 18, 2011 4:11 pm by Dhugz

» Constitutional Crisis?
DEATH PENALTY  EmptyWed Nov 16, 2011 9:54 pm by Guest

» HOTSPOTSHIELD
DEATH PENALTY  EmptyThu Nov 10, 2011 11:54 am by Disciple

June 2024
SunMonTueWedThuFriSat
      1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30      

Calendar Calendar

Social bookmarking

Social bookmarking reddit      

Bookmark and share the address of The New Public square on your social bookmarking website

Bookmark and share the address of The New Public Square Forum on your social bookmarking website

Who is online?
In total there are 8 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 8 Guests

None

[ View the whole list ]


Most users ever online was 470 on Tue May 29, 2012 4:40 pm
Poll
FORUM TRANSLATOR
Forum Protection
Advertisement
HOTSPOTSHIELD

 

Protecting the web for your                                                                                                                                                                              security, privacy and anonymity!                                                                                                                                                                        Get behind the SHIELD! 100% FREE!

 


DEATH PENALTY

+2
Ateo
harballah
6 posters

Go down

PABOR BA KAYO

DEATH PENALTY  Vote_lcap33%DEATH PENALTY  Vote_rcap 33% 
[ 2 ]
DEATH PENALTY  Vote_lcap67%DEATH PENALTY  Vote_rcap 67% 
[ 4 ]
 
Total Votes : 6
 
 
Poll closed

DEATH PENALTY  Empty DEATH PENALTY

Post by harballah Sun Apr 03, 2011 5:31 pm

Sa nangyayaring krimen ngayon sa ating bansa ay hindi na mabilang ang nasa kulungan na may kasong murder, rape at drugs.

Sang-ayon ba kayo na sila ay hatulan ng kamatayan.


Last edited by harballah on Sun Apr 03, 2011 5:37 pm; edited 1 time in total
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sun Apr 03, 2011 5:35 pm

Ang boto ko po ay YES, bakit po ako sang-ayon sapagkat sa pamamagitan nito ay maipakita ng gobyerno sa sinuman lumalabag na walang sinasanto ang batas at kung sino ang may kasalanan ay dapat parusahan, kumbaga kapag buhay ang inutang ay buhay din ang kabayaran.

Nakakalungkot kasi na sa China ay nabitay ang mga kababayan natin sapagkat sila ay nahulihan ng droga na tumitimbang lang ng apat o anim na kilo ngunit ang mga tsinong nandito ay hindi lang po kilo ang pinag-uusapan kundi sila mismo ang gumagawa at nagmamay-ari ng lugar kung saan ginagawa ang droga.

Kung sakaling mayroon death penalty ay hindi na po mapapauwi ang mga ito sa bansa nila at sila ay mapatawan din ng parusang kamatayan.
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sun Apr 03, 2011 7:06 pm

Sa ganitong kaso ay hindi ba nararapat na ibigay sa pamilya ng biktima ang katarungan sa kadumal-dumal na krimen na ito.


Babaeng chop-chop victim natagpuan
Ni Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) Updated April 03, 2011 12:00 AM Comments (2)

Camp Vicente Lim, Laguna , Philippines – Karumal-dumal ang sinapit ng isang babae matapos matagpuan ang putul-putol na katawan nito sa madamong bahagi ng South Luzon Expressway toll plaza sa Calamba City Laguna noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Officer Mac Ayyel Masarap, duty officer ng Calamba police nakatanggap sila ng tawag mula sa mga opisyal ng Brgy. Mayapa sa natagpuang putul-putol na bangkay ng biktima sa lugar bandang alas-5 ng hapon.

Batay sa imbestigas­yon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may edad ang biktima sa pagitan ng 14 hanggang 17 anyos. Wala namang natagpuang mga bagay na pagkakakilanlan sa biktima.

Samantala, inilagak na ng mga pulis ang labi ng biktima sa isang morgue sa Calamba City para sa kaukulang disposisyon.


Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=672460&publicationSubCategoryId=49
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by Ateo Mon Apr 04, 2011 1:17 am

Ang boto ko ay "No".

At napaka-interesante na magbabago na naman ang line-up ng mga votes. Ang mga Muslim ay boboto ng Yes at kahanay nila ang mga Evangelicals. Samantalang ang mga liberal atheists ay boboto ng No at kasangga nila ang mga Catholics.

Sa divorce naman, katropa ang mga Atheists ang mga Muslim at Evangelicals laban sa mga Catholics.

Sa same-sex marriage, ang mga atheists na boboto nito ay kaalyado sa mga iilang Protestant churches, pero umayaw ang mga Catholics at Muslim.

Sa War in Iraq, ay magkasamang tumututol ang mga Atheists at mga Muslim. Pabor naman ang mga Catholics at Evangelicals dito.

Sa taxation sa churches, ay syempre magkasangga ang mga Evangelicals, Muslim and Catholics.

At kung sino ang totoong pananampalataya, ay syempre labo labo na. Smile

Yun lang po.
Ateo
Ateo
...
...

Posts : 1019
Join date : 2010-03-29
Location : New York

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Mon Apr 04, 2011 1:47 am

Thanks brad ateo sa sagot mo at alam ko nga na mas marami ang hindi pabor sa mga katoliko pagdating sa problemang ito, pero sa pagsagot ninyo ng botong NO.

Bakit po iyong ang boto ninyo at ano po ang sa tingin ninyo ang makakapagbigay luwag sa damdamin ng mga pamilya ng biktima kung sakaling sila ay inyong kapamilya, kamag-anak, kaibigan o kakilala lang man lang.

May ipinakita ako diyan na balita na fresh na fresh lang po na batang nasa edad 14 o 17 anyos na walang awang pinagtataga o chop-chop.

Sa tingin kaya ninyo ay sapat na makulong ang mga gumawa nito at pagkalipas ng 20 taong ay posibleng makalaya.

Thanks and peace!


@sino kayang iyong isang bomoto ng NO na walang paliwanag heheheh alien
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Wed Apr 13, 2011 3:14 am

Papaano kaya makakamtan ng pamilya ng biktima ang kamatayan ng isang paslit na bukod sa ginahasa na sa murang edad ay pinatay pa.


3-anyos ni-rape slay ng lover ng ina
Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) Updated April 13, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 3-anyos na nene makaraang halayin ay pinukpok pa ng bakal sa ulo ng selosong ka-live-in partner ng kanyang ina sa Barangay Lanuro sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Arestado at pormal na kinasuhan ang suspek na si Jovito Briones, 32, habang sugatan naman ang ina ng bata na si Cherlyn Castro.

Nabatid na dumaing ang bata sa kanyang ina dahil sa matinding pana­nakit ng maselang bahagi ng kanyang katawan kung saan itinuturo ang suspek na nang molestiya sa kanya. Dito na kinompronta ni Castro ang suspek na sinasabing binalingan naman ang bata saka pinukpok sa ulo hanggang sa mapatay.

Napilitang tumawag ng mga pulis ang ilang kapitbahay ng magka-live-in matapos marinig ang sigawan subalit inabutan ng mga awtoridad na patay na ang bata.


source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=675705&publicationSubCategoryId=49

Dapat na bang ibalik ang death penalty...........bomoto na po at ipaliwanag kung bakit.
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by BibleBot Thu Apr 14, 2011 3:18 pm

harballah pag ang asawa mo ba ay nakiapid babatuhin mo ba hanggang mamatay bwekekekekekeke


Code:
Warning: Irrelevant post

Next time direct to your warning level bar
BibleBot
BibleBot
.
.

Posts : 1426
Join date : 2010-07-20

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sat May 07, 2011 6:20 pm

Sa papaanong paraan kaya makakamit ng mga pamilya ng biktima ang tunay na katarungan lalo na ganito ang mangyayari sa iyong anak.


13-anyos ni-rape slay
Ni Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) Updated May 07, 2011 12:00 AM Comments (1)

PITOGO, QUEZON ,Philippines — Isang 13-anyos na dalagita ang walang awang ginilitan ng leeg hanggang sa mamatay matapos na gahasain ng hindi nakikilalang salarin sa magubat na bahagi ng Brgy. Ilaya Pina ng bayang ito, kamakalawa ng hapon. Pansamantalang itinago sa pa­ngalang Mirla ang biktima na residente ng naturang lugar. Ayon kay PO3 Marla Manalo ng Wo­mens Desk Section, dakong alas-3 ng hapon ay huling nakitang buhay ang biktima na naglalakad sa kalye patungo sa kanilang bahay matapos na makipanood ng telebisyon sa kapitbahay. Dakong alas-3:15 ay natagpuan ni Herminigildo Abat ang biktima na walang buhay na nakahandusay sa kagubatan, duguan ang leeg nito na halos humiwalay na sa kanyang katawan kung saan wala itong pang-ibabang saplot at duguan ang ari na palantandaang ni-rape ng salarin.


Link: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=683288&publicationSubCategoryId=49
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by Ateo Sun May 08, 2011 9:19 am

Harballah, hayaan mo na na si Allah ang magbigay ng hustisya na kamatayan. Ang problema ksi sa pantaong hustisya ay mga mahihirap at minorities (Muslim, etc.) ang kalimitang naconvict at nabigyan ng death penalty.
Ateo
Ateo
...
...

Posts : 1019
Join date : 2010-03-29
Location : New York

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sun May 08, 2011 3:32 pm

Ateo wrote:Harballah, hayaan mo na na si Allah ang magbigay ng hustisya na kamatayan. Ang problema ksi sa pantaong hustisya ay mga mahihirap at minorities (Muslim, etc.) ang kalimitang naconvict at nabigyan ng death penalty.

May katwiran ka diyan ateo ngunit sa parte naman ng mahirap na biktima o ang pamilya nila, papaano na ang katarungan na nais nilang makamit sa kabila ng kanilang kahirapan ay sana man lang maibigay sa kanila ang inaasam na katarungan lalo na sa mga ganyan krimen na bukod sa ginahasa na papatayin pa No
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by Ateo Sun May 08, 2011 10:33 pm

Tingnan mo na lang ang death penalty sa Saudi at sa China. Meron ba kayong nabalitaang myembro ng royal family na na penalize ng death o na convict man lang despite sa kung anong kabalastugang ginawa nila? Bakit di mo mahintay si Allah na siyang gumawa ng hakbang sa buhay na ito o sa kabila? Baka di ka seguradong may hustisyang gagawin ang Allah?
Ateo
Ateo
...
...

Posts : 1019
Join date : 2010-03-29
Location : New York

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sun May 08, 2011 11:59 pm

Ateo wrote:Tingnan mo na lang ang death penalty sa Saudi at sa China. Meron ba kayong nabalitaang myembro ng royal family na na penalize ng death o na convict man lang despite sa kung anong kabalastugang ginawa nila? Bakit di mo mahintay si Allah na siyang gumawa ng hakbang sa buhay na ito o sa kabila? Baka di ka seguradong may hustisyang gagawin ang Allah?

Ang pinag-uusapan kasi natin dito ay ang katarungan dapat makamit ng pamilya ng biktima, nakikita naman natin ang kaibahan ng krimen na nangyayari sa pinas at sa saudi arabia.

May nakikita ka bang mga kaso na tulad ng inilatag ko dito sa thread ko.

Nabanggit mo na wala kamong nabalitaan na miyembro ng royal family na naparusahan ng death penalty, bakit may nabalitaan ka ba na nagkasala na may kaparusahan na death penalty unless iyong napabalita na nasa ibang bansa na nakapatay, siguro sa bansa kung saan niya ginawa ang kasalanan ito siya maparusahan.

Alam mo ba sa Islam brad ateo na ang taong nagkasala ay mayroon kapatawaran mula sa Allah bagaman siya ay mahatulan sa mundong ito ay mayroon parin kapatawaran kung tunay ang pagsisi niya sa nagawa niyang kasalanan, iba ang parusa dito at iba ang parusa sa kabilang buhay.
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by Ateo Mon May 09, 2011 12:10 am

[quote="harballah"]


Di po pwedeng i-exempt ang napabalitang krimen ng Saudi prince sa ibang bansa. Kinunsente ng Saudi government ito kasi tinulungan pa ng Saudi embassy ang kriminal.

http://www.telegraph.co.uk/news/uknews/crime/8043460/Gay-Saudi-prince-murdered-servant-in-ferocious-attack.html


Ito naman sa UAE:

http://www.debbieschlussel.com/5099/uae-prince-tortures-man-to-near-death-abc-news-anchor-terry-moron-compares-it-to-u-s-torture-of-terrorists-update-video-fixed/


My point, Harby, is that human justice systems are imperfect. They favor the rich and the powerful. If we add death penalty in our justice systems, then the poor will be disadvantaged and there will be poor people who will be made to admit crimes or punished with death even if they were innocent.

If Allah can really punish people on earth (and also after life), why couldn't we let Him strike the criminals here on earth? Please explain.
Ateo
Ateo
...
...

Posts : 1019
Join date : 2010-03-29
Location : New York

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Mon May 09, 2011 12:33 am

Ateo hindi ko sinasabing tama ang ginawa ng prinsipe ngunit basi sa bidyo na ipinakita ay hindi nakita na napatay diyan ang lalaki bagkus nakita daw na patay doon sa kama ng prinsipe, sa madaling salita ay mayroon pang imbestigasyon na mangyayari at dahil nga kamag-anak ng royal highness ang nasabing prinsipe ay kinakailangan parin nilang ipagtanggol ito at mapatunayan na tutuo nga na siya ang maygawa.

Pangalawa tulad ng nasabi ko na naganap ang krimen sa ibang bansa at hindi po sa Saudi Arabia kung saan ang batas ay Sharia Law at hindi puwedeng saklawan ng hari ang batas na ito.

Again, ang gusto ko lang ipunto dito ay ang kadumal-dumal na krimen kung saan ang biktima ay ang mga mahihirap at nais makamit ang katarungan na ipinagkakait sa kanila.

Siguro naman ay hindi kaila sa iyo kung gaano kadami ang mga kriminal sa bilangguan lang sa atin kung saan iba't iba ang kaso nila, tama ba.
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by viruzol_007 Sat May 14, 2011 5:48 pm

DEATH PENALTY  163505893v6_480x480_Front


Naniniwala po ako na-- kahit anong nagawa nilang kasalanan -- may karapatan pa rin silang magbago..


i vote for NO..
viruzol_007
viruzol_007
.
.

Posts : 175
Join date : 2010-03-25
Location : Planet Cyrpton

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sat May 14, 2011 6:09 pm

I respect your answered virz....

Wala naman problema sa pagbabago na iyan ngunit ang tanong ay papaano naman po iyong pamilya ng biktima, sa tingin mo may katarungan ba siyang nakamtan.

Kung may pamilya kang biktima ng kadumal-dumal na krimen kung saan katulad ng nasa balitang ipinaskil ko, sa tingin mo kaya sapat ba na ikulong lang ang taong ito.

Wala ka bang nababalitaan na nakulong at nakalaya then gumawa ulit ng krimen.
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by viruzol_007 Sat May 14, 2011 6:22 pm

harballah, napakahirap maging kristiano kung alam mo lang... kahit ano pa ang kasalanan nang isang Tao sayo, kailangan marunong tayong magpatawad (dahil ito ang tunay na simbolo nang kristianismo - > ang humingi nang tawad at magpatawad. kahit anong laki pa ang naging kasalanan nila).

DEATH PENALTY  Thou_Shalt_Not_Kill




Hayaan na na lang natin ang Diyos ang gumanti sa kanila 'as it written''

Dear friends, never take revenge. Leave that to the righteous anger of
God. For the Scriptures say, "I will take revenge; I will pay them
back," says the LORD. (Romans 12:19)
viruzol_007
viruzol_007
.
.

Posts : 175
Join date : 2010-03-25
Location : Planet Cyrpton

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by viruzol_007 Sat May 14, 2011 6:33 pm

pero, inaamin ko sa sarili koh, mas disiplando ang mamayan kung may death penalty. - less crime ika nga. but still — no one can defies God's Word.
viruzol_007
viruzol_007
.
.

Posts : 175
Join date : 2010-03-25
Location : Planet Cyrpton

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by viruzol_007 Sat May 14, 2011 6:46 pm

Papa harby di po ako magaling sa Quran parang si kapatid, Paki interpret lang po ang na search ko na nagmula sa internet





According to Qura, Allah has forbidden Killing?



The Noble Qur'an - An-Nisa 4:29

...And do not kill yourselves (nor kill one another). Surely, Allah is
Most Merciful to you.

http://muttaqun.com/suicide.html





Quran surah 6.
Do not kill a person because Allaah has forbidden killing.


http://sites.google.com/site/islamandthequran/quran-surah-6-do-not-kill-a-person-because-allaah-has-forbidden-killing
viruzol_007
viruzol_007
.
.

Posts : 175
Join date : 2010-03-25
Location : Planet Cyrpton

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sat May 14, 2011 7:37 pm

Virz una sa lahat sino maysabi ng nasa Romans at masasabi mo bang mali ang batas ng Diyos mo sa OT sa pag-utos niya na lipulin ang mga tao kung saan kabilang ang mga sanggol at mga hayop, kailangan mo ba ang verse mula sa OT.

Pangalawa, iyang inilatag mo na talata sa Quran, pagbabawal ba iyan sa pagpapatupad ng batas o pagbabawal sa pagpatay naayon sa sariling pagpatay.

Subukan mong basahin ito at pag-uusapan natin ang konteksto.


Nor take life - which Allah has made sacred - except for just cause. And if anyone is slain wrongfully, we have given his heir authority (to demand qisas or to forgive): but let him nor exceed bounds in the matter of taking life; for he is helped (by the Law). ( سورة الإسراء , Al-Isra, Chapter #17, Verse #33)
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by viruzol_007 Sat May 14, 2011 8:24 pm

harballah wrote:Virz una sa lahat sino maysabi ng nasa Romans at masasabi mo bang mali ang batas ng Diyos mo sa OT sa pag-utos niya na lipulin ang mga tao kung saan kabilang ang mga sanggol at mga hayop, kailangan mo ba ang verse mula sa OT.



Kill Men, Women, and Children

"Then I heard the LORD say to the other men, "Follow
him through the city and kill everyone whose forehead is not marked. Show no
mercy; have no pity! "Kill them all" – old and young, girls and women and little
children. But do not touch anyone with the mark. Begin your task right here at
the Temple." So they began by killing the seventy leaders. "Defile the
Temple!" the LORD commanded. "Fill its courtyards with the bodies of those you
kill! Go!" So they went throughout the city and did as they were told."
(Ezekiel 9:5-7 NLT)


Opo, Tama po kayo Pinapatay po nya dahil meron pa syang dahilan. At kung pinapatay po nya
ang mga bata, Mantanda, Kababaihan yaan po ay karapatan po nya -dahil sya naman po ang
nagbigay buhay sa mga taong suwail. Since God is the author of Life, so he has the right to kill
anyone lalong lalo na yong mga taong suwail.




Pangalawa, iyang inilatag mo na talata sa Quran, pagbabawal ba iyan sa pagpapatupad ng batas o pagbabawal sa pagpatay naayon sa sariling pagpatay.

Subukan mong basahin ito at pag-uusapan natin ang konteksto.


Nor take life - which Allah has made sacred - except for just cause. And if anyone is slain wrongfully, we have given his heir authority (to demand qisas or to forgive): but let him nor exceed bounds in the matter of taking life; for he is helped (by the Law). ( سورة الإسراء , Al-Isra, Chapter #17, Verse #33)



pero dito po kaci sa nabasa ko. hindi lang po suicide ang issue kundi - napapaloob din wag papatay nang kapwa tao. ayaw ko pang mag self interpret pero ayon po sa aking pag kakababasa mula sa quran - bawal po pumatay.

Do not kill a person because
Allaah has forbidden

killing except in the matter of (legal) justice.

See Quran 6:151

"...If anyone kills a person - unless it be for murder or for spreading
mischief in the land - it would be as if he killed all people. And if anyone
saves a life, it would be as if he saved the life of all people"
(Qur'an
5:32).

"...Take not life, which God has made sacred, except by way of justice and law.
Thus does He command you, so that you may learn wisdom" (6:151).


Ayon po sa Quran, Take not life - coz God has made Sacred. unless --> yong naka underline sa taas masyadong questionable? pero ang nakakakatawag pansin lan sa verses ano ho, mula sa quran. " if God has made Sacred, bakit kailangan pa nating kuhain ang buhay nang iba, pwede namang patawan lang nang habang buhay na pagkabilanggo, o kaya 10 lashes every friday depende sa kaso nito. pero wag lang pagpatay. Si Satanas nga, na walang kacing sama-- hanggang ngayon nag eexist pa -> na imposible magbagong buhay di pa rin pinapatay ni Lord; how much more pa kaya yong ibang makasalanan na pweding magbalik loob sa kanya.


Talaga po bang Pag buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran?

hindi ho pwdeing ganito na lang...

Kung buhay ang inutang --- diritso kulungan. ( bahala na sila don). at least play safe tayo.
viruzol_007
viruzol_007
.
.

Posts : 175
Join date : 2010-03-25
Location : Planet Cyrpton

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by harballah Sat May 14, 2011 11:23 pm

viruzol_007 wrote:


Kill Men, Women, and Children

"Then I heard the LORD say to the other men, "Follow
him through the city and kill everyone whose forehead is not marked. Show no
mercy; have no pity! "Kill them all" – old and young, girls and women and little
children. But do not touch anyone with the mark. Begin your task right here at
the Temple." So they began by killing the seventy leaders. "Defile the
Temple!" the LORD commanded. "Fill its courtyards with the bodies of those you
kill! Go!" So they went throughout the city and did as they were told."
(Ezekiel 9:5-7 NLT)


Opo, Tama po kayo Pinapatay po nya dahil meron pa syang dahilan. At kung pinapatay po nya
ang mga bata, Mantanda, Kababaihan yaan po ay karapatan po nya -dahil sya naman po ang
nagbigay buhay sa mga taong suwail
. Since God is the author of Life, so he has the right to kill
anyone lalong lalo na yong mga taong suwail.

Papaano naging suwail ang mga bata o sanggol Rolling Eyes

viruzol_007 wrote:
pero dito po kaci sa nabasa ko. hindi lang po suicide ang issue kundi - napapaloob din wag papatay nang kapwa tao. ayaw ko pang mag self interpret pero ayon po sa aking pag kakababasa mula sa quran - bawal po pumatay.

Do not kill a person because
Allaah has forbidden

killing except in the matter of (legal) justice.

See Quran 6:151

"...If anyone kills a person - unless it be for murder or for spreading
mischief in the land - it would be as if he killed all people. And if anyone
saves a life, it would be as if he saved the life of all people"
(Qur'an
5:32).

"...Take not life, which God has made sacred, except by way of justice and law.
Thus does He command you, so that you may learn wisdom" (6:151).

Bawal naman pumatay talaga sino ba ang maysabing puwede, pero iba ang pagpatay kaysa pinapatay mo ito dahil sa parusang nakasaad sa batas ng tao.

Iyong talatang ginagamit mo (5:32) ay lapat iyan sa mga maling pagpatay ng mga terorista iyong pati ang mga inosente ay idinadamay. Nabasa mo ba iyan inilatag mo na nasa 6:151 ang sabi ay "except by way of justice and law".


viruzol_007 wrote:
Ayon po sa Quran, Take not life - coz God has made Sacred. unless --> yong naka underline sa taas masyadong questionable? pero ang nakakakatawag pansin lan sa verses ano ho, mula sa quran. " if God has made Sacred, bakit kailangan pa nating kuhain ang buhay nang iba, pwede namang patawan lang nang habang buhay na pagkabilanggo, o kaya 10 lashes every friday depende sa kaso nito. pero wag lang pagpatay. Si Satanas nga, na walang kacing sama-- hanggang ngayon nag eexist pa -> na imposible magbagong buhay di pa rin pinapatay ni Lord; how much more pa kaya yong ibang makasalanan na pweding magbalik loob sa kanya.


Talaga po bang Pag buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran?

hindi ho pwdeing ganito na lang...

Kung buhay ang inutang --- diritso kulungan. ( bahala na sila don). at least play safe tayo.


Pasensiya kana virz ngunit maski sa bibliya mo na nakasaad sa OT ay ang principle ng Diyos mo ay kapag buhay ang inutang ay buhay din ang kabayaran.
harballah
harballah
...
...

Posts : 3016
Join date : 2010-03-24
Location : Jeddah, Saudi Arabia

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by Lito Thu Mar 08, 2012 9:46 pm

YES dapat lang ang death penalty sa Pinas subra na ang crimin kaya ang death penalty ay may batayan na sinusonod kung gaano kabigat ang kasalanan ng isang tao...ang Panginoon pinayagan nya ang death penalty dahil ito ang sulosyon sa mga cremin...dito ako ngayon sa Saudi napakatahimik walang crimen kung meron man minor lang di katulad sa atin...safe na safe dito mali ang akala ko noong hindi pa ako nakapunta ng Saudi...very peaceful kahit akoy lumaking katoliko at ngayon ay isang tutoong Christiano dahil sinosunod ko si Jesus kung ano ang kanyang mga pinag uutos na mula sa panginoon...I am proud to be called as Christian because I am a Muslim Now...
Lito
Lito
.
.

Posts : 11
Join date : 2012-02-29

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by RavlaM Fri Mar 16, 2012 11:01 pm

Lito wrote:YES dapat lang ang death penalty sa Pinas subra na ang crimin kaya ang death penalty ay may batayan na sinusonod kung gaano kabigat ang kasalanan ng isang tao...ang Panginoon pinayagan nya ang death penalty dahil ito ang sulosyon sa mga cremin...dito ako ngayon sa Saudi napakatahimik walang crimen kung meron man minor lang di katulad sa atin...safe na safe dito mali ang akala ko noong hindi pa ako nakapunta ng Saudi...very peaceful kahit akoy lumaking katoliko at ngayon ay isang tutoong Christiano dahil sinosunod ko si Jesus kung ano ang kanyang mga pinag uutos na mula sa panginoon...I am proud to be called as Christian because I am a Muslim Now...

Nagulat naman ako sa iyo...proud ka tawaging Kristiano pero nag muslim ka???

Sino naman ang nagsabi sa iyon'g tahimik sa saudi??? Bat di ka pumunta sa Iraq o kaya sa Syria muslim place din yun....pag uwi mo punta kang Basilan ...makikita mo ang husto mong malaman doon..

Saan ka ba sa Saudi??? Maglakad ka ng nagiisa sa madilim na bahagi diyan pag gabi....Alam mo ba kung gaano karaming kababayan mong babae ang binababoy bawat aeaw diyan???
RavlaM
RavlaM
.
.

Posts : 975
Join date : 2010-07-31

Back to top Go down

DEATH PENALTY  Empty Re: DEATH PENALTY

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum